Ang Tatay Kong Warfreak
Mayabang at ayaw patalo.. yan ang tatay ko…. Madalas kaming mag-clash ng opinion at idea, and in the end, siya ang panalo. Hindi siya papatalo dahil ayaw niyang ipakita ang kahinaan niya. Sa bahay, ang rule ay “dapat ay lagi siyang tama.” Kapag nagkamali siya, magdadahila pa siya ng baluktot… Kapag umuuwi na siya ng gabi at lading, dapat ay walang kokontra sa kanya…
Napakataas ng pride, kaya nahahwa ako minsan.. Pataasan ng ihi. Madalas, si mama ang naiipit sa gitna. Napakamainitin ng ulo niya at lagi pa niya akong pinagbibintangan sa mga bagay na hindi ko naman ginawa. Pakiramdam ko tuloy, wala siyang tiwala sa akin… Pagdudahan ba naman akong hindi raw pumapasok sa eskwela at naglalakwatsa lang?? aba! Sumosobra na siya! Kung alam nya lang kung gaano akong nahihirapan sa studies ko—nahihirapan sa pagmemaintain ng mataas na grado… pero mukhang hindi niya naaappreciate yun…
Bakit ayaw niyang tanggapin sa sarili niya na tao rin siya at nagkakamali rin minsan? Bakit ayaw magpakumbaba? Kapag nasa bahay, naku po! Parang impyerno.. Kaya madalas, umaalis ako ng bahay. Pumupunta ako kahit saan.. sa mall, sa bahy ng kakilala.. kahit saan basta maibsan lang ang sama ng loob ko…
WAR FREAK ang tatay ko. Palibhasa black belter siya ng Taekwondo sa Saudi… at ginagamit niya ang lakas at yabang niya sa ibang tao. Nitong nakaraang araw lang, umuwi siya ng bahay—duguan ang mukha. Dumudugo ang ilong. Dumudugo ang labi.
“Ang sarap talagang makipag suntukan!”, pagmamalaki pa niyang sabi sa nag-aalala kong nanay..
Ang yabang noh? Eh balita ko, ni galos o daplis hindi nasaktan yung kaaway niya. Bwiset talaga. Kahihiyan talaga,
Hindi ko sinasabi ang mga bagy na ito para siraan ang aking ama… Ipinagmamalaki ko pa rin siya—paminsan-minsan…
Si papa? Masikap siya magtrabaho… Kahit holiday nagtatrabaho yan.. Nagpupundar siya para sa kinabukasan namin… Alam niya ang pangangailangan ng pamilya namin…
May pagkadisiplinado siya. Kahit hindi kami mayaman, hindi siya nagkulang sa pagtuturo sa amin ng magandang asal.. lalo na sa harap ng hapag kainan.. Sa pagkain, bawal ang nakataas ang paa. Bawal ang hindi gumagamit ng tinidor.. bawal ang pinapalipas ang hugasan sa lababo… Ayaw niya ng tatamad-tamad.. Gusto niya, laging organized.. ayaw niya ng maingay at magulo…
Hindi ko man nasasabi ito sa kanya… mahal na mahal ko pa rin ang tatay ko..