Love is like Sleeping?

I know corny ito pero sige itutuloy ko na…

                MINSAN

                    by benj

Ang love parang tulog

minsan matagal, minsan bitin

minsan malalim, minsan mababaw…

minsan magandang panaginip, minsan binabangungot..

minsan mahaba nga pero parang kulang pa rin,

minsan mabilis lang pero sulit dahil malalim…

minsan napipilitan, minsan di sinasadya…

minsan akala mo iidlip ka lang pero makakatulog ka na pala ng tuluyan…

minsan naman mahaba na ang oras mo pero di mo alam bakit agad kang nagising…

minsan gusto mo na lang matulog buong araw kasi pakiramdam mo wala naman sa kanila kung ikaw ay magising…

minsan ayaw mo na matulog dahil iniisip mo baka wala nag bukas na darating..

minsan gusto mong makatulog pero may ayaw magpatulog…

minsan gusto mo tahimik at madilim para makatulog ka…

minsan naman gusto mo maliwanag at maingay dahil natatakot ka…

minsan din magigising ka nalang basta dahil akala mo nahulog kana…

minsan di ka makatulog dahil nappresure ka

minsan naman gusto mo makatulog para makalimot na

minsan akala mo paggising mo wala ng problema

minsan natutulog ka kapag galit ka

minsan naman nakakatulog ka ng may luha sa mata

minsan pag natutulog ka niloloko mo lang sarili mo na tulog ka na

minsan naman ayaw pang matulog kahit pagod na pagod na

minsan kahit waterbed pa ang kama hindi ka parin masaya,

minsan naman kahit sa banig lang kuntento na…

minsan di ka makatulog dahil naiinggit ka

minsan naman dahil nagguilty ka…

minsan nakakatulog tayo ng wala sa lugar

minsan gusto natin mahanap ang taong makakatabi natin pagtulog habambuhay,

minsan naman gusto natin marami tayong kasabay matulog para makatulog…

minsan inuuna natin ang ibang bagay kaysa matulog

minsan naman inuuna natin ang tulog kaysa gumawa ng mga makabuluhang bagay  

minsan itinutulog mo na lang dahil libre naman ang managinip..

minsan naman ayaw mo nang managinip…

minsan ayaw mo nang matulog…

minsan ayaw mo nang magising…

minsan ayaw mo na magmahahal…

minsan ayaw mo nang maging minsan…

kung wala nang dahilan paggising mo kinabukasan.

Leave a Reply